85IB, nagtamo ng malaking pinsala sa atake ng NPA

1 min read

BONDOC PENINSULA — Hindi bababa sa anim na sundalo ang kaswalti ng 85th IBPA matapos silang bombahin ng isang pangkat ng NPA kahapon, Oktubre 17, bandang 1030 ng umaga sa Sityo Catulin ng Barangay Suha sa bayan ng Catanauan.

Nagrerekurida ang tropa ng 85th IBPA nang mamonitor ng mga pulang mandirigma sa ilalim ng Apolonio Mendoza Command. Ligtas na nakaatras ang mga NPA pagkatapos ng labanan.

Ang rekurida ng sundalo ay bahagi ng kanilang FMO o focused military operation na nagsimula pa noong nakaraang buwan. Kasabay ng kanilang FMO ang pananakot at  pagpapasurender sa mga magsasakang pinaghihinalaang suporter ng CPP-NPA.

Sa isang pangyayari noong buwan ng Setyembre, gumawa ng pekeng kampuhan ng NPA ang mga sundalo sa Sityo Pangi ng Barangay Doongan sa kaparehong bayan. Nilitratuhan ito at pilit na ipinapaamin sa mga magsasaka sa lugar na may kinalaman sila sa kunwaring natagpuang kampuhan.

Bukod sa bayan ng Catanauan, inaabot rin ng FMO ang mga bayan ng Mulanay at San Narciso.

Dalawang labanan na sa pagitan ng NPA at AFP ang naitala ngayong buwan. Isang operasyong snipe ang inilunsad ng NPA sa Brgy. Abu-abo, bayan ng Mauban noong Oktubre 8. Kontra-atake ito ng NPA sa ilang araw nang nag-ooperasyong militar sa lugar. Isa (1) ang patay sa hanay ng AFP at walang pinsala sa mga NPA.#

Latest from News