Ilantad at labanan ang teroristang atake ng AFP/PNP na pinamumunuan ng pasista, diktador at teranyang Rehimeng E.U.- Duterte laban sa mamamayang Masbatenyo

5 mins read

Septyembre 12, 2018

Mariing kinokundina ng Jose Rapsing Command at ng mamamayang Masbatenyo ang mga panibagong kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa mga sibilyan nitong nakalipas na buwan ng Agosto hanggang unang linggo ng kasalukuyang buwan. Nagdulot ito ng malawakang takot sa mga sibilyang naninirahan sa mga liblib na mga barangay sa ilang bayan ng lalawigan. Ang mga pamamaslang na ito ay kagagawan ng mga nabubuwang na mga sundalo ng 2nd IBPA, 22nd CAFGU(Cadre) Battalion, PNP Regional Mobile Force Battalion 5 at mga Rebel Returnees na pinamumunuan nina Arlan Banggalisan(aka Jonas) at Rolando Bareja Epil,Jr.(aka Jezel, Edgar at Bulak). Ito ay ganting atake sa mga sibilyan ng mga berdugo at pasista sa sunod-sunod nilang pagkabigo na durugin at wasakin ang rebolusyonaryong kilusan sa probinsya.

Lahat ng mga biktima ay pawang sibilyan na pinagbalingan ng galit ng mga sundalo at pulis sa tuwing sila ay nagkakaroon ng operasyong militar sa mga kanayunan.Dahil sa walang kooperasyon na nakukuha sa mga sibilyan ay pinagiinitan sila ng mga sundalo at pulis na humahantong sa pandarahas sa mga tao at pagsira sa kanilang mga tirahan, alagang hayop at pananim.

Sa ulat na nakalap ng JRC-BHB Masbate nitong huling linggo ng Agosto at unang linggo ng buwan ay nakapagtala ng pitong biktima sa mga bayan ng Uson, San Jacinto, San Fernando, Monreal at Masbate City.

Ang mga sumusunod ay mga pangalan ng biktima at lugar ng pinangyarihan ng pamamaslang;

    1. Nonong Capellan –dinampot sa So. Batuila, Brgy. Madao, Uson habang naglilinis sa kanyang niyugan. Nabasag ang ulo, nagkabali-bali ang mga buto, nilagay sa sako at inilibing sa gilid ng ilog sa San Antonio, Milagros;
    2. Johnel Dejucos at Pablo Dilao ng Brgy. Burgos, San Jacinto – pinagbabaril hanggang sa mamatay;
    3. Dominggito Deinla at Maria Des Dilao Deinla(mag-asawa) ng Brgy. Resurrecion San Fernando. Dating CAFGU at tauhan ni SPO2 Rommel Borromeo. Pinagdudahan ng mga sundalo at pulis na may kinalaman sa pagkamatay ng dating pulis;
    4. Dingdong Escorel ng Brgy. Cantorna, Monreal, kasapi ng BICPAI.Kinuha ang P20,000.00 . Pinatay ng mga CAFGU na nakadestino sa Brgy. Tugoron, Monreal; at
    5. Ruel Nunez ng Brgy. Biyong, Masbate City -Dinampot ng 2nd IBPA, PNP PPO Masbate at PNP Masbate City habang nagpapakain ng baboy. Namatay sa bugbog at basag ang ulo

Ilan sa mga insidenteng ito ay nakitaan ng presensya nina Arlan Banggalisan at Rolando B. Epil, Jr, pawang mga rebel returnees at numero unong giya sa mga operasyon.

Nakapagtataka din ang pagiging tahimik ng mga matataas na opisyal ng lalawigan sa walang aksyong ginagawa kahit pa nga dumarami na ang mga nagiging biktima na ang iba ay kanila pang mga lider sa pulitika.

Kaya naman hinahamon ng JRC-BHB Masbate sina Gobernor Kho, Bise Gobernador Revil at mga miembro ng Sangguniang Panlalawigan na magsagawa kayo ng pormal na imbestigasyon at papanagutin niyo ang mga opisyal ng 2nd IBPA, PNP Masbate PPO at sina Arlan Banggalisan at Rolando B. Epil, Jr. na sangkot sa mga karumal-dumal na patayan sa buong probinsya.

Sa ganitong banda ay maipapamalas niyo ang mga pinangako niyo sa mamamayang Masbatenyo nung kayoy nangangampanya pa lamang na itataguyod ang karapatan ng bawat Masbatenyo laban sa pagsasamantala at pang-aapi ng mga sundalo at pulis.

Hinihikayat ng JRC-BHB Masbate ang lahat ng mga patriyotikong indibidwal at grupo, taong simbahan,mamamahayag at iba pang nagmamalasakit sa karapatan pantao na ilantad at labanan ang walang humpay na terorismo at atake ng 2ND IBPA, 9th IDPA, PNP Masbate at Rebel Returnees sa mamamayang Masbatenyo.

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa lahat ng Masbatenyo na patuloy niyong suportahan ang inyong tunay na Suldados san Pobre at makipagtulungan sa mga kasama sa anumang bantang gagawin ng mga sundalo at pulis.

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Pambansa Nagkakaisang Prente ng Pilipinas!
Mabuhay ang Sambayanang Masbatenyong lumalaban!
Sumanib sa Digmang Magpapalaya sa kontrol ng Imperyalistang Estados Unidos at sa mga kasabwat nito!

KA LUZ DEL MAR
Tagapamahayag
JRC – BHB Masbate

Latest from News