Imprastrukturang pondo ng dayuhan, di hiling ng bayan

23 mins read

[av_section min_height=’100′ min_height_px=’500px’ padding=’default’ shadow=’no-shadow’ bottom_border=’no-border-styling’ scroll_down=’aviaTBscroll_down’ id=” color=’main_color’ custom_bg=” src=’https://ndfp.org/wp-content/uploads/2017/05/EDITORIAL_05212017_web-300×260.jpg’ attachment=’6742′ attachment_size=’medium’ attach=’parallax’ position=’top left’ repeat=’no-repeat’ video=” video_ratio=’16:9′ overlay_enable=’aviaTBoverlay_enable’ overlay_opacity=’0.5′ overlay_color=’#000000′ overlay_pattern=” overlay_custom_pattern=”]
[av_heading heading=’Imprastrukturang pondo ng dayuhan, di hiling ng bayan’ tag=’h1′ style=’blockquote modern-quote modern-centered’ size=’50’ subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’20’ padding=’10’ color=’custom-color-heading’ custom_font=’#ffffff’]
Editoryal | Ang Bayan | Mayo 21, 2017
[/av_heading]
[/av_section]

[av_one_fifth first min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_heading tag=’h3′ padding=’10’ heading=’EDITORYAL’ color=” style=’blockquote modern-quote’ custom_font=” size=” subheading_active=’subheading_below’ subheading_size=’15’ custom_class=”]
Ang Bayan
Mayo 21, 2017
[/av_heading]
[/av_one_fifth]

[av_three_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]

[av_textblock size=” font_color=” color=”]
[av_dropcap1]W[/av_dropcap1]a­lang ti­gil ang mga tek­nok­ra­ta ng re­hi­meng Du­ter­te sa po­si­ti­bong pag­la­la­ra­wan ng pag­su­long ng eko­nom­ya ng Pi­li­pi­nas sa mga da­ra­ting na taon sa ila­lim ng ti­na­gu­ri­an ni­lang “gi­ni­nun­tu­ang pa­na­hon ng imprastruk­tu­ra”. Igi­ni­gi­it ni­la na ang ma­la­king pa­mu­mu­hu­nan sa konstruk­syon ng mga kal­sa­da, ri­les, dau­ngan, dam at engkla­bo sa pag­ga­wa ay mag­bu­bu­nga ng tu­luy-tu­loy na pag­la­go ng eko­nom­ya ng Pi­li­pi­nas.

La­lo pa si­lang pur­si­gi­do sa mga dek­la­ra­syong ito pag­kau­wi ni­la mu­la sa Chi­na ka­sa­ma si Du­ter­te baon ang pa­ni­ba­gong pa­nga­ko ng mga upi­syal ng Chi­na na mag­la­la­gak ng ma­la­king ka­pi­tal sa Pi­li­pi­nas pa­ra sa mga ini­ha­ha­nay na pro­yek­to ng gub­yer­nong Du­ter­te. Pu­ring-pu­ri ni Du­ter­te ang Chi­na sa ani­ya’y sin­se­ri­dad ni­tong tu­mu­long sa Pi­li­pi­nas at mag­ba­ha­gi ng ka­ni­lang ya­man. Li­ban sa hi­git na ma­la­ki ang ka­pi­tal na tar­get na ma­ku­ha ng re­hi­meng Du­ter­te kum­pa­ra sa na­ka­ra­ang mga re­hi­men (ti­na­ta­yang mahigit walong tril­yong piso hang­gang 2022, pa­ngu­na­hin mu­la sa Chi­na), ang ma­ta­ta­yog na dek­la­ra­syon ay pa­wang ali­ngaw­ngaw mu­la sa nag­da­ang mga re­hi­men. La­hat ng nag­da­ang mga gub­yer­no (ka­bi­lang ang re­hi­meng Marcos) ay pa­wang nag­tu­lak ng ma­la­la­king pro­yek­tong pang-imprastruk­tu­ra bi­lang sentro ng mga hak­ba­ngin sa eko­nom­ya.

Ma­li­naw na hung­kag ang ga­yong dek­la­ra­syo­n. Ka­tu­lad ng ilang ulit nang na­pa­tu­na­yan sa na­ka­ra­an, hin­di ni­lu­tas ng mga pro­yek­tong pang-imprastruk­tu­ra, gaa­no pa man ka­la­ki o ka-eng­ran­de, ang sa­li­gang mga prob­le­ma sa eko­nom­ya ng Pi­li­pi­nas.

Sa pa­na­hon ni Marcos, ga­mit ang ab­so­lu­tong ka­pang­ya­ri­han, na­ga­wa ni­yang itu­lak ang ka­li­wa’t ka­nang mga pro­yek­tong pang-imprastruk­tu­ra mu­la sa mga hay­way, tu­lay, mga dam, plan­tang geot­her­mal, LRT at mga mo­nu­men­to. Ang sam­ba­ya­nan ay na­ba­on sa lu­ma­king da­yong pau­tang (u­ma­bot sa $26 bil­yon noong 1986) at na­ta­li sa mga kun­di­syong ipi­na­taw ng IMF at ng World Bank na pa­bor sa da­yong ma­la­la­king ka­pi­ta­lis­ta. Nag­ka­mal ng ya­man si Marcos at kan­yang mga kro­ni sa mga ko­mi­syon sa ma­la­la­king pro­yek­tong ito.

Ang la­hat ng re­hi­men pag­ka­ta­pos ni Marcos ay nag­ha­bol ng ka­ni-kan­yang pro­yek­tong pang-imprastruk­tu­ra: mu­la sa mga “flyover” ni Cory Aqui­no, sa Expo Pi­li­pi­no ni Ra­mos, ang Maca­pa­gal Bou­levard at Clark Air­port ni Arro­yo at mga pro­yek­tong “pub­lic-priva­te partnership” ni Be­nig­no Aqui­no. La­hat ito’y nag­ka­ha­la­ga ng bil­yun-bil­yong dol­yar at pi­non­do­han ng lu­mo­bo nang lu­mo­bong da­yu­hang pau­tang na nga­yo’y mahigit $120 bil­yon na. Ba­wat pro­yek­tong ito’y bat­bat ng ano­mal­ya at pi­nag­ka­ki­ta­an ng ma­la­la­pit na kro­ni ng ba­wat re­hi­men.

Kung me­ron man, pang-i­ba­baw la­mang ang pag­ba­ba­gong ini­ha­tid ng mga pro­yek­tong ito. At ka­hit pag­sa­ma-sa­ma­hin pa, bi­gong ba­gu­hin ng mga ito ang sa­li­gang ka­la­ga­yang pan­li­pu­nan at ang sa­li­gang ka­la­ga­yang pang­ka­bu­ha­yan ng ma­sang mag­sa­sa­ka at mang­ga­ga­wa at buong sam­ba­ya­nan. Lu­mik­ha ito ng pan­sa­man­ta­lang ha­nap­bu­hay, su­ba­lit hin­di ni­lu­tas ang pa­la­gi­ang kri­sis ng la­bis na ma­la­king di­semple­yo. Ka­kam­bal na ng mga pro­yek­tong ito ang mga de­mo­li­syo­n, pag­pa­pa­la­yas, pag­ka­wa­sak ng pro­duk­ti­bong lu­pa at pag­ka­si­ra ng ka­pa­li­gi­ran. Sa ma­ra­ming ka­song mi­li­ta­ri­sa­syon ang kaa­ki­bat ng mga pro­yek­tong ito.

Sa pag­tu­tu­lak ng re­hi­meng Du­ter­te ng ilan­da­ang bil­yong dol­yar na mga pro­yek­tong pang-imprastruk­tu­ra, hindi malayong ta­ta­ma­an ni­to ang ka­ga­li­ngan at mga ka­ra­pa­tan ng ma­sang anak­pa­wis at si­si­la­ban ang ka­ni­lang pag­la­ban. Ka­bi­lang sa ma­la­la­king pro­yek­tong iti­nu­tu­lak nga­yon ay ang Chico River Dam project. Ang ka­tu­lad na pro­yek­to noong de­ka­da 1980 ay mi­li­tan­teng ni­la­ba­nan ng ma­ma­ma­yan ng Cor­dil­le­ra da­hil sa pin­sa­lang idu­du­lot ni­yon sa ka­ni­lang bu­hay at ka­bu­ha­yan. Ti­yak na hindi tatahimik ang mga ta­ga-Cor­dil­le­ra at ang buong ba­yan oras na ma­ging ban­ta sa bu­hay, ka­ra­pa­tan at ka­pa­li­gi­ran ang dam at iba pang pro­yek­tong pa­ng-imprastruk­tu­ra.

Ti­yak na mauud­yok ang ma­la­wa­kang mga pag­la­ban kung ang pla­nong ila­tag na mga ri­les ng tren ay sa­sa­ga­sa sa lu­pa­ing ni­nu­no, ka­ra­pa­tan at ka­ga­li­ngan ng mga Lu­mad at ma­sang anak­pa­wis sa Min­da­nao at iba pang lugar: kung ang pla­nong ita­yong mga dau­ngan ay mag­pa­pa­la­yas sa mga ma­ngi­ngis­da; kung ang ita­ta­yong tu­lay at ila­la­tag na kal­sa­da ay mag­pa­pa­la­yas sa mga mag­sa­sa­ka at wa­wa­sak sa pro­duk­syong pang-ag­ri­kul­tu­ra; at kung ang isa­sa­ga­wang mga rek­la­ma­syon ay wa­wa­sak sa ya­mang-ka­ra­ga­tan at ka­pa­li­gi­ran.

Ti­yak na ti­tin­dig at la­la­ban ang buong ba­yan kung sa pag­tu­tu­lak ng re­hi­meng Du­ter­te ng mga pro­yek­tong pang-imprastruk­tu­rang ito ay ilu­lu­bog ni­to ang buong Pi­li­pi­nas sa ba­gong da­yong pau­tang na im­po­sib­le nang ma­ba­ya­ran at mag­ta­ta­li sa Pi­li­pi­nas sa mga kun­di­syong ka­sa­sang­ku­tan ng pag­su­ko sa pat­ri­mon­ya at ka­sa­rin­lan. Ti­tin­dig din ang buong ba­yan kung ang mga pro­yek­tong ito ay ka­sa­sang­ku­tan ng ko­rap­syon at pag­ka­ka­ki­ta­an ng ma­la­la­king bur­ge­syang kompra­dor na ma­la­pit kay Du­ter­te. Kung ma­ta­kot man ang Kor­te Sup­re­ma sa pag­ba­ban­ta ni­ya kontra sa pag­la­la­bas ng TRO, ang sam­ba­ya­nan ay hin­di ma­ngi­ngi­ming ma­nin­di­gan la­ban sa bu­ruk­ra­ta ka­pi­ta­lis­tang ka­buk­tu­tan.

Da­pat ma­ging pu­kaw ang sam­ba­ya­nan na, ta­li­was sa si­na­sa­bi ni Du­ter­te, hin­di ka­gan­da­hang-lo­ob ang pag-aa­lok ng Chi­na ng daan-da­ang bil­yong dol­yar pa­ra sa mga pro­yek­tong pang-imprastruk­tu­rang ito. Ang Chi­na ay isang ba­gong us­bong at pa­tu­loy na lu­ma­la­king im­per­ya­lis­tang ka­pang­ya­ri­han na ma­hig­pit na na­nga­nga­la­ga sa kan­yang sa­ri­ling in­te­res. Ang alok na pon­do ng Chi­na ay pau­tang na ob­li­ga­dong ba­ya­ran ng ba­yan na may in­te­res. Pau­tang ito na na­ka­la­an sa is­pe­si­pi­kong mga pro­yek­to pa­bor sa Chi­na at da­pat ipam­bi­li sa sob­rang sup­lay ng ase­ro at iba pang ka­la­kal mu­la sa Chi­na.

Kung tu­tuu­sin, hin­di ang mga pro­yek­tong pang-imprastruk­tu­rang ito ang da­pat na bi­ni­big­yang pra­yo­ri­dad ng re­hi­meng Du­ter­te. Sa anu­mang pla­no sa eko­nom­ya, ang da­pat na una­hin ay ang ka­pa­ka­nan at in­te­res ng mga mang­ga­ga­wa at mag­sa­sa­ka at buong sam­ba­ya­nan, hin­di ng ma­la­la­king bur­ge­syang kompra­dor, pa­ngi­no­ong may­lu­pa o da­yu­hang ma­la­la­king ka­pi­ta­lis­ta.

Da­pat lu­ta­sin ang mga pun­da­men­tal na prob­le­ma ng sis­te­mang ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal. Kung wa­lang pun­da­men­tal na pag­ba­ba­go, ma­na­na­ti­ling at­ra­sa­do ang eko­nom­ya ng Pi­li­pi­nas at ma­gi­ging ta­ga­sup­lay la­mang ng mga hi­law na ma­ter­ya­les, mu­rang pag­ga­wa at ma­la­ma­nu­pak­tu­ra sa Chi­na at iba pang imperyalistang bayan. Ka­tu­lad ng mga ri­les ng tren na iti­na­yo ng ko­lon­ya­lis­mong US na gi­na­mit sa transpor­ta­syon ng tu­bo at iba pang ka­la­kal, ang mga mo­der­nong tren mu­la sa Chi­na ay mag­si­sil­bi la­mang pa­ra sa transpor­ta­syon ng mga hi­law na ma­ter­ya­les at ma­la­ma­nu­pak­tu­ra pa­ra sa Chi­na.

Sa ka­say­sa­yan ng mga na­ging mo­der­nong eko­nom­ya, ka­bi­lang na ang Chi­na, ang pag­su­long ay na­ta­mo sa pag­pu­pun­dar ng ba­ta­yang ka­pa­si­dad sa in­dustri­ya ka­bi­lang na sa pro­duk­syon ng ba­kal, ase­ro at mga ke­mi­kal at iba pang sa­li­gang in­dustri­ya upang lik­ha­in ang ka­pa­si­dad sa pro­duk­syon ng ma­ki­nar­ya at iba pang mga ka­ga­mi­tan sa pro­duk­syo­n. Kaa­ki­bat ni­to ang pag­ta­ta­as ng pro­duk­ti­bi­dad ng ag­ri­kul­tu­ra sa pa­ma­ma­gi­tan ng pag­tu­pad ng tu­nay na re­por­ma sa lu­pa pa­ra wa­sa­kin ang lu­mang mga ka­de­na ng mo­no­pol­yong pyu­dal at da­yu­han, pag­tu­lak ng koo­pe­ra­syon at iba pang an­yo ng pag­tu­tu­lu­ngan at pag­tu­pad ng me­ka­ni­sa­syo­n.

Da­pat igi­it sa Chi­na, na kung gus­to ni­tong ma­ta­mo ang pa­ki­ki­pag­kai­bi­gan sa sam­ba­ya­nang Pi­li­pi­no, da­pat han­da itong su­por­ta­han ang pag­si­si­kap na ta­pu­sin ang ma­la­ko­lon­yal at ma­lap­yu­dal na sis­te­mang iti­na­tag at pa­tu­loy na pi­nag­ha­ha­ri­an ng im­per­ya­lis­mong US. Sa par­ti­ku­lar, kai­la­ngang-kai­la­ngan na su­por­ta­han ang prog­ra­ma pa­ra sa tu­nay na re­por­ma sa lu­pa at pa­ra sa pam­ban­sang in­dustri­ya­li­sa­syo­n.

Ito ang pa­ngu­na­hing ni­la­la­man ng prog­ra­ma ng re­bo­lu­syo­nar­yong ki­lu­san sa eko­nom­ya at na­ka­sa­ad sa prog­ra­ma ng Par­ti­do pa­ra sa de­mok­ra­ti­kong re­bo­lu­syong ba­yan at sa 12 Pun­tong Prog­ra­ma ng NDFP. Ito ang di­ne­tal­ye sa Compre­hen­sive Agree­ment on Socio-Eco­no­mic Reforms (CASER) na ini­ha­ha­rap ng NDFP sa GRP sa ne­go­sa­syong pang­ka­pa­ya­pa­an. Inaa­sa­han ng mga re­bo­lu­syo­nar­yong pwer­sa na ang usa­ping ito ng CASER ang pa­ngu­na­hing ma­bi­big­yang-pan­sin sa nakatakdang ikalima sa ser­ye ng mga usa­pang pang­ka­pa­ya­pa­an.
[/av_textblock]

[/av_three_fifth][av_one_fifth min_height=” vertical_alignment=” space=” custom_margin=” margin=’0px’ padding=’0px’ border=” border_color=” radius=’0px’ background_color=” src=” background_position=’top left’ background_repeat=’no-repeat’ animation=”]
[av_textblock size=” font_color=” color=”]

Download


[/av_textblock]
[/av_one_fifth]

Latest from Ang Bayan