Mga pasistang sundalo naghahasik ng terorismo sa Masbate

4 mins read

Lumalalim ang galit at pagkasuya ng mamamayang Masbatenyo at Bikolano sa patuloy na paglabag sa karapatang pantao ng mga alagad ng ganid, pasista, diktadura at tiranikong rehimeng US-Duterte na 2nd IBPA at PNP Masbate

Kasama ng Jose Rapsing Command(NPA-Masbate) ang mamamayang Masbatenyo at Bikolano sa pagkundina sa 2nd IBPA at PNP Masbate sa kanilang ginawang paglusob sa Brgy. Cabungahan, Cawayan, Masbate.

Oktubre 22, 2019, bandang alas 3:30 ng madaling ataw, sa So. Baldosa ay iligal na dinampot ang dalawang sibilyan na sina Nato Bersaga at nagngangalang Vicente. Habang sa kalapit na So. Ctn ay dinampot naman sina Junte Alboro, Diding Tidon, Junie Lahoylahoy at Nonong Agwan. 

Samantala, sa sentrong baryo ng Cabungahan sa magkaibang oras naman ng parehong petsa ay dinampot ang mag-asawang Randy at Daya Halyarda, mag-amang Nono at Boboy Ylanan. Lahat sila ay iligal na inaresto. Ilan sa mga inaresto ay binugbog ng mga sundalo sa pangunguna ni Decdec Ochia at Christian Delarama.

Kinaumagahan ng Oktubre 22 ay tinipon ng 2nd IBPA ang mahigit isandaang(100) sibilyan sa plasa sa pamamagitan ng paggamit sa pangalan ni Mayor Edgar Condor na gustong kausapin ang mga tao. Nagkanda buhol-buhol pa ang mga sundalo sa paglulubid ng kasinungalingan para lang gamitin ang pangalan ni Mayor Condor. 

Ang mga sundalo ng 2nd IBPA na nagbabase sa Brgy. Calumpang, Cawayan na siyang lumusob sa Brgy. Cabungahan ay maghapong tinakot ang mga sibilyan at pilit na pinapapirma sa isang papel bilang mga NPA surrenderrees.Umabot hanggang alas syete ng gabi ang pambubuladas na may kasamang pananakot sa mga tao na may masamang mangyayari sa kanila kapag hindi pumirma bilang mga sumukong NPA.

Ang sapilitang pagpapapirma sa mga sibilyan at palalabasing mga sumukong NPA ay gasgas ng gawain ng 2nd IBPA at PNP Masbate  bilang pagtalima sa E.O 70 na siyang garapalang paglabag sa karapatan tao ng mga sibilyan. Ginawa din ito sa mahgit labindalawang (12) mga barangay sa bayan ng Cawayan, Masbate na daan-daang mga sibilyan ang tinakot at pinagbantaang may masamang mangyayari kung di pipirma sa papel na siyang palalabasing mga sumukong NPA.

Habang ang mga opisyal ng mga barangay ay dinidiktahang gumawa ng resolusyon na magdedeklara sa rebolusyonaryong kilusan bilang “persona non grata” o di katanggap-tanggap sa mga komunidad. At ang mga di sumunod ay pinagbabantaan na kakasuhan ng administratibo ng DILG.

Ang mga pananakot at pagbabanta ng 2nd IBPA sa mga inosenting sibilyan ay marapat lamang na salubungin ng matataginting at dumadagundong na mga taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan para pungalin ang humahabang sungay ng mga kasundaluhan at kapulisan sa pagpapatupad ng marahas at anti-mamamayang E.O.70 ng nabubuwang na pangulong si Rodrigo Roa Duterte.

Nananawagan ang Jose Rapsing Command(BHB Masbate)sa mamamayang Masbatenyo at Bikolano na huwag magpasindak sa kontra mamamayang atake ng 2nd IBPA at PNP Masbate sa bisa ng marahas na E.O. 70 na nilagdaan ng utak pulbura at mamamatay taong pangulong si Duterte.

Hinihikayat din ng jose Rapsing Command ang lahat ng inaaping mamamayan na patuloy niyong suportahan ang tunay na sundalo ng bayan na siyang naglilingkod at nagtatanggol sa interes ng inaaping Pilipino. 

Digmang bayan ang maaasahan ng mamamayang api at pinagsasamantalahan  na siyang tatapos sa pagsasamantala ng mga naghaharing-uri.

Digmang bayan, Sagot sa kahirapan !
Bagong Hukbong Bayan, Tunay na sundalo ng mamamayan!
Biguin at Labanan ang Anti-mamamayang E.O. 70!

LUZ DEL MAR
Tagapamahayag
JRC- BHB Masbate

Latest from News